Taos-pusong pasasalamat mula sa Dingalan Community College (DCC) Family kina Hon. Mayor Aurora Guzman Taay at Provincial Administrator PA Shierwin H. Taay sa kanilang malasakit at kabutihang-loob sa pagbibigay ng regalo para sa ating mga guro.

Ang regalong ito ay pagpapakita ng inyong pagpapahalaga at pagkalinga sa mga gurong patuloy na naglilingkod, nagtuturo, at humuhubog sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, malasakit, at pagpapahalaga sa Dingalan Community College at sa aming mga guro.

Pagbati at taos-pusong pasasalamat mula sa buong DCC Family!