Tuwing araw ng Agosto 19, ating ginugunita ang kapanganakan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa at isa sa mga dakilang lider ng ating bansa.Alinsunod sa Republic Act No. 6741, na nilagdaan noong Agosto 4, 1989, ang Agosto 19 ay idineklarang special working holiday sa buong Pilipinas, maliban sa mga lalawigan ng Quezon at Aurora at Quezon City, kung saan ito ay isang special non-working public holiday bilang paggunita sa kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Sa araw na ito, ating alalahanin at pahalagahan ang kanyang mga ambag sa bayan, lalo na ang kanyang mahalagang papel sa pagsusulong ng isang wikang magbubuklod sa sambayanang Pilipino.
Kaugnay ng paggunita sa Araw ni Quezon sa Miyerkules, Agosto 19, 2026, suspendido ang regular na klase at operasyon ng mga tanggapan. Magbabalik ang regular na klase at operasyon ng mga tanggapan sa Huwebes, Agosto 20, 2026.
Mabuhay ang alaala ni Pangulong Manuel L. Quezon! π΅πMabuhay ang Wikang Filipino!#ArawNiQuezon
#ManuelLQuezon
#RepublicAct6741
#Agosto19
#Aurora
#DCCians

