Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Araw ng Kabataan 2026 ang matagumpay na idinaos sa Bayan ng Dingalan sa ilalim ng temang PROJECT S.L.A.Y. (Sustainable Leadership: Appreciation of Youth). ![]()
Nakibahagi ang Dingalan Community College sa pagdiriwang na nagbigay-diin sa talento, pagkamalikhain, kakayahan, at mahalagang papel ng kabataan sa pag-unlad ng komunidad.
Isang makabuluhan at makulay na pagdiriwang na nagbigay-pugay sa talento, sipag, tagumpay, at mahalagang ambag ng kabataan sa ating komunidad.
Ipinagmamalaki ng DCC ang ating mga DCCians na nagpakitang-gilas at nagkamit ng karangalan sa iba’t ibang larangan. Nakuha ni Von Ian Esquivel ang Unang Puwesto sa Pagkuha ng Larawan (Photography), habang nakuha ni Cedric CaΓ±edo ang Unang Puwesto sa Pagsulat at pagbigkas ng Tula habang Ikalawang Puwesto naman si Vivian Jozene Puno.
Nagkaroon din ng partisipasyon ang mga mag aaral ng DCC sa Rampa at Adbokasiya sa pamamagitan nina: Renzo Surita, Reynante Asirit at Michael Guevarra.
Kasabay din ng pagdiriwang ang pagkilala sa mga DCCians na matagumpay na pumasa sa Civil Service Commission Professional Examination sina Eloisa S. Pimentel at Vergel Hiteroza isang tagumpay na sumasalamin sa kanilang sipag, determinasyon, at paghahanda para sa kanilang hinaharap.
Ang mga parangal na ito ay patunay na ang kabataang DCCian ay malikhain, may kakayahan, at handang ipamalas ang kanilang talento saanmang larangan.
Taos-pusong pagbati sa lahat ng kabataang lumahok at nagbigay ng kanilang pinakamahusay na ambag sa pagdiriwang!
Pagbati, LGU-Dingalan, MYDO Dingalan, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Araw ng Kabataan 2026! Maraming salamat sa pagbibigay ng makabuluhang espasyo para sa kabataan na maipakita ang kanilang talento, boses, at potensiyal.
Mabuhay ang Kabataang DingaleΓ±o! ![]()
Mabuhay ang DCCians!
Mga Larawan mula sa: Dingalan LGU- Municipal Development Youth Office
#ArawNgKabataan2026#ProjectSLAY#KabataangDingaleno#DingalanCommunityCollege#DCCians#DCCPride#MYDODingalan#YouthEmpowerment#YouthLeadership







