Pagpapalago ng Kaalaman, Pagpapaunlad ng Likas na Yaman sa DCC!
Taos-pusong pasasalamat po sa ating minamahal na Punong Bayan Aurora Guzman Taay, DOST Region III at Engr. Jairies Fae Batas para sa makabuluhang Cultivate to Educate Project at Greenhouse Project na isinasagawa sa Dingalan Community College.
Malaking ambag ang proyektong ito sa pagbibigay ng makabuluhang karanasan sa ating mga mag-aaral sa larangan ng napapanatiling pagsasaka, gayundin sa pagsusulong ng seguridad sa pagkain at pangangalaga sa kapaligiran sa ating pamayanan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
#SDG12#ResponsibleConsumptionAndProduction
#SDG17#PartnershipsForTheGoals



