Wika at Talento: Makulay na Pagdiriwang ng Araw ng Wika sa DCC

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, nakibahagi ang Dingalan Community College (DCC) sa paggunita sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang salamin ng ating kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang iba’t ibang paligsahan na nagbigay-daan sa pagpapamalas ng talento, pagkamalikhain, at husay ng mga DCCiansβ€”kabilang ang Pagsulat ng Sanaysay, Dalawahang Pag-awit, at Malikhaing Pag-awit. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, muling ipinamalas ng bawat kalahok na ang wika ay hindi lamang instrumento ng komunikasyon, kundi buhay na bahagi ng ating pagkatao at kultura.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino!πŸ‡΅πŸ‡­

#ArawNgWika2026

#BuwanNgWika2026

#DingalanCommunityCollege

#DCCians

#WikangFilipino

#TangkilikinAngWikangSarili