Sa panahon ng tag-ulan, mas dumarami ang mga lamok na nagdadala ng dengue virus. Huwag hintaying may magkasakit bago kumilos.
Panatilihing malinis ang kapaligiran.
Alisin ang mga naipong tubig sa mga bote, lata, gulong, paso, at iba pang lalagyan na maaaring pamugaran ng lamok.
Gumamit ng mosquito repellent at kulambo, at magsuot ng damit na may mahabang manggas kung kinakailangan.
Kapag nakararanas ng mataas na lagnat, pananakit ng katawan, pagsusuka, o pantal, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital.
Tandaan: Ang dengue ay maiiwasan kung tayo ay magiging mapagmatyag at sama-samang kikilos.
Isabuhay ang 4S Kontra Dengue:
Search and Destroy β Hanapin at alisin ang mga pinamumugaran ng lamok.
Seek Early Consultation β Agad magpakonsulta kapag may sintomas.
Secure Self-Protection β Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok.
Support Sustained Vector Control β Makilahok sa mga programa ng komunidad laban sa dengue.
Ang malinis na kapaligiran ay susi sa ligtas at malusog na pamayanan. Sama-sama nating pigilan ang pagkalat ng dengue!
Reference: Department of Health (DOH)
#KontraDengue#4SKontraDengue#DengueAwareness#KalusuganParaSaLahat#LigtasNaPamayanan











