NPC SEAL OF REGISTRATION

Kinikilala ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora ang kanilang mga responsibilidad sa ilalim ng Republic Act No. 10173, na kilala rin bilang Data Privacy Act of 2012. Ang mga personal na datos na nakuha ng mga opisina ng pamahalaan ay sinusuri, inilalagay, at iniimbak sa loob ng awtorisadong sistema ng impormasyon at komunikasyon ng ahensya at mahahawakan lamang ng mga awtorisadong empleyado ng pamahalaan. Ang Lokal na Pamahalaan ng Dingalan ay nagpatupad ng naaangkop na organisasyonal, teknikal, at pisikal na mga hakbang pangseguridad upang matiyak ang proteksyon ng personal na datos ng mga kliyente.

Ang National Privacy Commission (NPC) ay nagbigay ng Seal of Registration sa Lokal na Pamahalaan bilang sagisag ng pagpapahalaga at proteksyon nito sa mga personal na datos ng mga kliyente.

Kung ikaw ay may anumang katanungan tungkol sa pagkolekta ng personal na data ng LGU, makipag-ugnayan sa Data Protection Officer ng Pamahalaan sa pamamagitan ng sumusunod: Contact Number 0908-446-1027 o mag-email sa dpodingalan@gmail.com.